Subok lang gumawa ng story...
Sa sino mang maligaw sa blog ko, salamat. hahaha...
Vengeance in Reverse
Chapter One
“Manong, wala na bang ibang daan?
Ma-late na ko sa meeting ko, Patay na naman ako kay daddy neto.”
“Sir, wala na po. Pista po kasi dito
ngayon kaya maraming nakaharang na mga nakaparadang sasakyan at nagkakasiyahang
tao.”
“ URGH! Sige manong, mukang late na
talaga ko neto. Sabihan ko na lang ang daddy. Iidlip na muna ko. Pakigising na
lang ho ako kapag nasa expressway na tayo.”
“Sige po Sir.”
Siya si
Ramses Nilo Argos, pangatlong anak ng president ng Argos Realties. 25yrs old pero
kung umasta ay kala mo isang teenager. Isang living evidence ng happy go lucky
na tao. Pinanganak na mayaman at nabiyayaan ng magandang muka, Kaya nabuhay sa
rangya at atensyon. Galing sya sa isang bayan sa gitnang Luzon para dumalo sa
pista ng isa sa mga potential investor sa company nila. Ayaw man sya na dumalo
ay wala syang magagawa kapag ang ama na nito ang nagsabi. Ngunit nagging masaya
naman ang naging pakiramdam nya, salamat sa mga babaeng di mapigilan ang humanga
sa angkin niton kakisigan. Yan lang naman ang kasiyahan nya, ang maglaro ng
damdamin ng mga babae.
“MANONG! Dahan-dahan naman sa
pagmamaneho!” bulyaw nito pagkatapos ng marahas na pag-alog ng sinasakyan nito.
Ngunit bago pa man nya makuha ang sagot nito ay nakita nya itong parang nabato
balani sa kinauupuan, Dun lang nya nagawang tignan ang paligid, papalubog na
ang araw. Natuon ang pansin nya sa taong nakahandusay sa harapan ng kanyang
sinasakyang kotse. Agad agad syang bumaba kasama ang driver neto.
“Manong, ano buhay pa?!” kinakabahan
nyang tanong.
Ngunit
laking gulat nya ng biglang gumalaw ang lalaki na nabundol ng driver nya at unti unting tumayo habang inaalalayan ng
driver nya.
“HOY! Ikaw hind…!” bubulyawan na
dapat nya ang lalaking nabangga nila ng bigla itong bumaling ng tingin sa
kanya. Hindi nya alam pero sobrang kinabahan at natakot sya sa pagtitig na
ginawa nito sa kanya. Puno ng galit at pait ang tingin na yun. Pero alam nya at
naramdaman nyang hindi para sa kanya ang anumang ekspresyon na meron ito
ngayon. Galit ito pero hindi sa kanya, mababakas ang layo ng tanaw ng mga nito.
Magsasalita pa sana sya at hihingi na lang ng paumanhin ngunit bigla na lamang
itong umalis ng walang lingon. Hindi na nya inabala ang sarili dahil mukang
okay naman ang lalaki at nakita nyang pagiging walang pagpasin nito ay nasiguro
nyang okay nga ito.
****
Hindi
magawang mawala sa isip nya ang ekspresyon na nakita nya sa lalaking nakabangga
nya. Kasalukuyan na silang bumabyahe sa EDSA pagkatapos na mapagalitan nya ang
walang pag-iingat na pagmamaneho ng kaniyang driver. Inalala nya ang itsura ng
lalaki. Sa tingin nya ay mas bata lang ito sa kanya ng dalawa o tatlong taon,
mas maliit ng mga apat na pulgada (siya ay 5’10, so mga 5’6 lang yung lalaki), may
maayos na muka at nakasuot ng disenteng damit. Sa pagbalik tanaw nya, hindi nya
maintidihan kung takot ba o awa ang dapat nyang maramdaman sa nakita nya sa mga
mata nito. Kasi kahit na nakita nya ang galit at pait sa mga mata nito na hindi
nya alam kung para kanino ay may nabakasan din syang lungkot sa likod nito. Mga
mata na kailanman ay hindi pa nya nakita. Puno ng pait at lungkot. Pero gawa ng
pagiging walang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid nya ay hindi na
nya ganung pinagtuunan pa ng panahon ang pag-iisip dito. Sa halip ay inabala na
lang nya ang utak sa pag-iisip ng dahilan sa hindi nya pagsipot sa meeting nya
nung hapon ding yun. Alam nyang hindi sya palalampasin ng sermon ng ama nya.
****
“RAMSES!” Bungad ng ama nito na si
Sieg Fernando Argos.
“Alam mo bang muntik na nating hindi makuha yung deal kila
Mrs. Del Carmen ng dahil sa kawalan mo ng pansin sa oras. You’re supposed to be
there by 5pm. Pero nagbyahe ka pasado alas-kwarto na ng hapon. Did you expect to
cross Bulacan to Makati in less than an hour? Ang sabi ko lang, makipagmeet ka
sa mga potential investors natin dun, I never said to enjoy yourself there and
forget about your other plans for the day. Kailan mo ba matutunan na
magpakatino at magseryoso? I won’t always be here to attend to your
irresponsible acts Ramses!”
“Yeah yeah yeah! Ako na naman walang kwentang anak,” tudyo ng
isip nya.
“By the way, since we’re in the
topic of you being the immature and irresponsible Division Head, the son of
your Ninong Mateo is back from the states. And your Ninong asked me to let him in the company. Saktong
maaassign na yung isa sa mga under sayong manager sa branch natin sa Visayas, sya
ng lang ang ipinalit ko sa posisyon. Attend to his needs! And this time,
please, huwag mo pasakitin ulo ko. Graduate sya sa university sa America. Alam
kong magiging malaking tulong sya sa company at lalo na division mo, At sana
pati dyan sa pagiging iresponsable mo. He’ll start on Monday morning, be sure
to make him feel comfortable, kung hindi malalagot sa akin.”
“Yes Dad. Sige po akyat na ko.“ sabi na lang nito.
“Yung anak ni Ninong? Teka, kilala ko yun e… sino nga ba yun?
AH! Si Yosef! Teka! Grade 3 ako nung nagdesisyon silang magpunta at manirahan
na sa America. Tiyak kahit Makita ko yun di ko sya makikilala agad. Bahala na
sa Monday.”
****
Sa kabilang
bahagi naman ng Makati…
“Yes dad… Yeah don’t worry. Alam ko
naman di ako pababayaan ni Ninong Sieg dito e… Yes dad, basta ako na bahala
dito… Yes. Yes. Yes. Yes dad.. Bye.” Pagputol ng overseas call mula sa ama
nitong si Mateo.
“Great! Ang ganda ng first day ko sa
Pilipinas.” Sarkastiko nitong sambit sa isip habang tinatapalan ang nananakit nyang
likod mula sa pagkakabundol ng kotse sa kanya nung hapong iyon.
“Nasa Pilipinas na ko, malapit na ko
sayo Gregory! Hindi ako magpapakadepress sa States ng di ko nagugulo ang buhay
mo! Payback time!”
Itutuloy…