Martes, Hulyo 17, 2012

Vengeance in Reverse I


Subok lang gumawa ng story...
Sa sino mang maligaw sa blog ko, salamat. hahaha...            


Vengeance in Reverse
Chapter One


             “Manong, wala na bang ibang daan? Ma-late na ko sa meeting ko, Patay na naman ako kay daddy neto.”


            “Sir, wala na po. Pista po kasi dito ngayon kaya maraming nakaharang na mga nakaparadang sasakyan at nagkakasiyahang tao.”


            “ URGH! Sige manong, mukang late na talaga ko neto. Sabihan ko na lang ang daddy. Iidlip na muna ko. Pakigising na lang ho ako kapag nasa expressway na tayo.”


            “Sige po Sir.”


Siya si Ramses Nilo Argos, pangatlong anak ng president ng Argos Realties. 25yrs old pero kung umasta ay kala mo isang teenager. Isang living evidence ng happy go lucky na tao. Pinanganak na mayaman at nabiyayaan ng magandang muka, Kaya nabuhay sa rangya at atensyon. Galing sya sa isang bayan sa gitnang Luzon para dumalo sa pista ng isa sa mga potential investor sa company nila. Ayaw man sya na dumalo ay wala syang magagawa kapag ang ama na nito ang nagsabi. Ngunit nagging masaya naman ang naging pakiramdam nya, salamat sa mga babaeng di mapigilan ang humanga sa angkin niton kakisigan. Yan lang naman ang kasiyahan nya, ang maglaro ng damdamin ng mga babae.


            “MANONG! Dahan-dahan naman sa pagmamaneho!” bulyaw nito pagkatapos ng marahas na pag-alog ng sinasakyan nito. Ngunit bago pa man nya makuha ang sagot nito ay nakita nya itong parang nabato balani sa kinauupuan, Dun lang nya nagawang tignan ang paligid, papalubog na ang araw. Natuon ang pansin nya sa taong nakahandusay sa harapan ng kanyang sinasakyang kotse. Agad agad syang bumaba kasama ang driver neto.


            “Manong, ano buhay pa?!” kinakabahan nyang tanong.
Ngunit laking gulat nya ng biglang gumalaw ang lalaki na nabundol ng driver nya at  unti unting tumayo habang inaalalayan ng driver nya.


            “HOY! Ikaw hind…!” bubulyawan na dapat nya ang lalaking nabangga nila ng bigla itong bumaling ng tingin sa kanya. Hindi nya alam pero sobrang kinabahan at natakot sya sa pagtitig na ginawa nito sa kanya. Puno ng galit at pait ang tingin na yun. Pero alam nya at naramdaman nyang hindi para sa kanya ang anumang ekspresyon na meron ito ngayon. Galit ito pero hindi sa kanya, mababakas ang layo ng tanaw ng mga nito. Magsasalita pa sana sya at hihingi na lang ng paumanhin ngunit bigla na lamang itong umalis ng walang lingon. Hindi na nya inabala ang sarili dahil mukang okay naman ang lalaki at nakita nyang pagiging walang pagpasin nito ay nasiguro nyang okay nga ito.


****


Hindi magawang mawala sa isip nya ang ekspresyon na nakita nya sa lalaking nakabangga nya. Kasalukuyan na silang bumabyahe sa EDSA pagkatapos na mapagalitan nya ang walang pag-iingat na pagmamaneho ng kaniyang driver. Inalala nya ang itsura ng lalaki. Sa tingin nya ay mas bata lang ito sa kanya ng dalawa o tatlong taon, mas maliit ng mga apat na pulgada (siya ay 5’10, so mga 5’6 lang yung lalaki), may maayos na muka at nakasuot ng disenteng damit. Sa pagbalik tanaw nya, hindi nya maintidihan kung takot ba o awa ang dapat nyang maramdaman sa nakita nya sa mga mata nito. Kasi kahit na nakita nya ang galit at pait sa mga mata nito na hindi nya alam kung para kanino ay may nabakasan din syang lungkot sa likod nito. Mga mata na kailanman ay hindi pa nya nakita. Puno ng pait at lungkot. Pero gawa ng pagiging walang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid nya ay hindi na nya ganung pinagtuunan pa ng panahon ang pag-iisip dito. Sa halip ay inabala na lang nya ang utak sa pag-iisip ng dahilan sa hindi nya pagsipot sa meeting nya nung hapon ding yun. Alam nyang hindi sya palalampasin ng sermon ng ama nya.


****


            “RAMSES!” Bungad ng ama nito na si Sieg Fernando Argos.


“Alam mo bang muntik na nating hindi makuha yung deal kila Mrs. Del Carmen ng dahil sa kawalan mo ng pansin sa oras. You’re supposed to be there by 5pm. Pero nagbyahe ka pasado alas-kwarto na ng hapon. Did you expect to cross Bulacan to Makati in less than an hour? Ang sabi ko lang, makipagmeet ka sa mga potential investors natin dun, I never said to enjoy yourself there and forget about your other plans for the day. Kailan mo ba matutunan na magpakatino at magseryoso? I won’t always be here to attend to your irresponsible acts Ramses!”


“Yeah yeah yeah! Ako na naman walang kwentang anak,” tudyo ng isip nya.


            “By the way, since we’re in the topic of you being the immature and irresponsible Division Head, the son of your Ninong Mateo is back from the states. And your Ninong  asked me to let him in the company. Saktong maaassign na yung isa sa mga under sayong manager sa branch natin sa Visayas, sya ng lang ang ipinalit ko sa posisyon. Attend to his needs! And this time, please, huwag mo pasakitin ulo ko. Graduate sya sa university sa America. Alam kong magiging malaking tulong sya sa company at lalo na division mo, At sana pati dyan sa pagiging iresponsable mo. He’ll start on Monday morning, be sure to make him feel comfortable, kung hindi malalagot sa akin.”


“Yes Dad. Sige po akyat na ko.“ sabi na lang nito.


“Yung anak ni Ninong? Teka, kilala ko yun e… sino nga ba yun? AH! Si Yosef! Teka! Grade 3 ako nung nagdesisyon silang magpunta at manirahan na sa America. Tiyak kahit Makita ko yun di ko sya makikilala agad. Bahala na sa Monday.”


****


Sa kabilang bahagi naman ng Makati…


            “Yes dad… Yeah don’t worry. Alam ko naman di ako pababayaan ni Ninong Sieg dito e… Yes dad, basta ako na bahala dito… Yes. Yes. Yes. Yes dad.. Bye.” Pagputol ng overseas call mula sa ama nitong si Mateo.


            “Great! Ang ganda ng first day ko sa Pilipinas.” Sarkastiko nitong sambit sa isip habang tinatapalan ang nananakit nyang likod mula sa pagkakabundol ng kotse sa kanya nung hapong iyon.


            “Nasa Pilipinas na ko, malapit na ko sayo Gregory! Hindi ako magpapakadepress sa States ng di ko nagugulo ang buhay mo! Payback time!”



Itutuloy…

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento